DAVAO CITY, Philippines – Ibinigay ni Jason Pagara ang hinahanap ng mga boxing fans matapos pabagsakin si Cesar Chavez ng Mexico sa ikalawang rounds dito sa USEP Gym noong Sabado ng gabi .
Kaagad pinagkaguluhan ang Cebu-based boxer ng kanyang mga fans para magpakuha ng litrato sa kanyang pagbaba ng boxing ring bitbit ang makintab na boxing belt sa kanyang kanang balikat.
“I’m ready,” sabi ni Pagara sa kanyang hangad na title fight.
Idinagdag ni Pagara na ang kanyang mga promoters ang bahala sa kanyang boxing career.
Ang panalo ang nagtiyak kay Pagara, pinatulog ang 12 sa kanyang 24 biktima, na lumaban sa Amerika para kumampanya sa 140 lbs class.
Nagbigay siya ng malalaking pangalan.
Nasa drawing board ng ALA card sa San Diego sa May 23 si Pagara at sa San Francisco na babanderahan ni Albert Pagara.
Sa September o October ay magkakaroon ang ALA ng malaking boxing card sa StubHub Center sa Carson, California tampok ang mga top ALA fighters.
Sa main supporting bouts, nagtala naman ng mga panalo sina junior bantamweight Arthur Villanueva at junior featherweight Genesis Servania.
Tinalo ni Villanueva si Julio Cesar Miranda at inungusan ni Servania si Juan Luis Hernandez .
Pinigil naman ni featherweight Mark Magsayo si Thai opponent, Sukkasem Kietyongyuth sa 2:15 mark ng fifth round.