NCAA beach volley dadalhin sa Subic Bay

MANILA, Philippines – Gagawin ang 90th NCAA beach volleyball sa Baywalk sa loob ng Subic Bay sa Olongapo City.

Ang kompetisyon ay lalarga mula Pebrero 11 hanggang 15 at nangyari ito sa ikatlong sunod na pagkakataon nang pumayag ang The Lighthouse Marina Resort  na makipagtambal sa NCAA.

“The Lighthouse Marina Resort is one of the best resort hotels in the Subic area and their partnership with the NCAA will make the event more meaningful,” wika ni Fr. Vic Calvo ng Letran na nagsagawa ng ocular inspection sa paglalaruang venue.

Nakasama ni Calvo si Mancom chairman Paul Supan ng host Jose Rizal University bukod sa iba pang board members.

Mangunguna sa mga kasaling koponan ang San Sebastian Lady Stags na siyang nagdedepensang kampeon sa kanilang dibis­yon.

Magbabalik sa Lady Stags si Gretchel Soltones at sasamahan siya ng ba­gong partner na si Charmaine Dalisay sa hanga­ ring mapanatiling suot ang korona sa kababaihan.

Si Dalisay ay ang Roo­kie of the Year sa katatapos lang na indoor volleyball na kung saan ang Baste ay tumapos sa ikalawang puwesto sa nagkampeon na Arellano Lady Chiefs.

Papalitan niya si Czarina Berbano na nag-gra­duate na.

Show comments