MANILA, Philippines – Mangunguna ang mga mahuhusay na jins na nais na mapabilang sa national team na sasali sa SMART/MVP Sports Foundation/PLDT Home Bro National CPJ (Carlos Palanca Jr.) taekwondo championships para sa sparring (Kyorugi) at poomsae (forms) mula Pebrero 7 at 8 sa Ninoy Aquino Stadium.
Mangunguna sa mga jins na magpapakitang-gilas ay sina Francis Aaron Agojo, Ronna Ilao, Mary Anjelay Pelaez at Benjamin Keith Sembrano.
Nasa 1000 ang inaasahang magtutunggali sa kompetisyon at bukas ang Kyorugi sa senior (18-year old and above), junior (15-17 years old), cadet (12-14 year old) at grade school (11-and-below), habang ang poomsae ay hinati sa tatlong grupo na individual, team at pair sa 13 kategorya.
Ang mga kategorya ay cadet (12-14), junior (15-17), 1st senior 1-A (18-24), senior 1-B (25-30), senior 2 (3140), Master (41-and-above), cadet pair, junior pair, senior pair, cadet team, junior team, 1st team at 2nd team.
Sinabi ni organizing committee chairman, Grandmaster Sung Chon Hong, na ang mabubuong Pambansang koponan ay lalaban sa 2015 Asian Taekwondo Championships sa Taipei, World Taekwondo Championships sa Chelyabinsk, Russia, World Cadet Championships sa Muju, Korea at sa SEA Games.
Ang national poomsae ay isasagupa sa 2015 World Poomsae Championship sa Ho Chih Minh City, Vietnam.