Kuha rin ang twice-to-beat Lady Eagles malinis pa

Pinagtulungang salagin nina Amy Ahomiro at Alyssa Valdez ng Ateneo ang kill ni Angeline Pauline Araneta ng UP sa aksyong ito sa UAAP. Joey Mendoza

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

8 a.m  UP at UE (M)

10 a.m.  FEU vs La Salle (M)

2 p.m. Adamson vs UE (W)

4 p.m.  FEU vs UST (W)

MANILA, Philippines – Kinuha ng nagdedepensang kampeon Ateneo Lady Eagles ang unang upuan at ang kaakibat na twice-to-beat advantage sa 77th UAAP women’s volleyball Final Four nang walisin ang UP Lady Maroons, 25-18, 25-18, 25-18, kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Binugbog ng Lady Ea­g­les ang Lady Maroons sa attack points, 42-29, at nagkaroon pa ng 7-2 bentahe sa serve para makuha ang panalo sa larong tumagal lang ng isang oras at apat na minuto.

Ang kinalabasan ng laro ay malayo sa nangyari sa unang tunggalian na kung saan umabot sa limang sets ang bakbakan bago bumigay ang UP tungo sa ika-sampung sunod na panalo ng Ateneo.

Ito rin ang ikaanim na sunod na pagtapak ng Lady Eagles sa Final Four at ikapito sa huling walong edisyon ng kompetisyon.

May 16 kills at tatlong aces tungo sa 20 puntos si Alyssa Valdez habang si Isabelle Beatriz De Leon ay may siyam na kills tungo sa 10 hits. Sina Amy Ahomiro at Julia Morado ay nagsa­nib sa 17 hits at ang setter na si Morado ay naghatid ng 30 excellent sets bukod sa dalawang aces at isang block.

“Mas may communication at mas masaya kami na naglaro ngayon,” paha­yag ni Morado na may li­mang digs pa.

Ipinasok rin ng La Salle Lady Archers ang sarili sa semifinals nang pabagsakin ang National University Lady Bulldogs, 25-20, 25-22, 21-25, 27-25, sa ikalawang laro.

Ito ang ikasiyam na pa­nalo sa 10 laro at ikatlong sunod sa ikalawang round para sa ikapitong dikit na paglalaro ng La Salle sa Final Four.

May 14 hits si Ara Ga­lang at ang huling hit ang bumasag sa 25-25 all sa fourth set. Nakuha ng La Salle ang panalo sa error ni Jaja Santiago.

Show comments