Magkakatalo sa Baguio killer-lap
MANILA, Philippines - Mga mapanghamong lusungan at akyatin ang haharap sa mga siklista sa 2015 Le Tour de Filipinas na pakakawalan sa Linggo sa Balanga, Bataan.
Ang sixth edition ng Le Tour de Filipinas, inihahandog ng Air21 kasama ang MVP Sports Foundation at Smart, ay may pitong intermediate sprints sa apat na stages.
May kabuuang distansyang 532.50 kilometro, ang 2016 Le Tour de Filipinas na magdiriwang ng ika-60 taon ng multi-stage road cycling sa bansa ay inaasahang magiging isang mabilis na karera, ayon kay race manager Paquito Rivas.
Masusubukan ang mga climbers sa Stage Four na magtatapos sa Cordilleras sa Baguio City.
Bagama’t may apat na bundok na aakyatin, magkakasukatan ang mga climbers sa nasabing four-stage race na suportado ng Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at Canon sa Baguio City ngunit hindi sa Burnham Park kundi sa harap ng Baguio City Convention Center.
Magsisimula ang karera, itinataguyod din ng Isuzu, MAN Truck and Bus, Viking Rent-A-Car at NLEX bilang road partners, sa Linggo sa pamamagitan ng 126-km Balanga-Balanga (Bataan) Stage One.
- Latest