^

PSN Palaro

PVF lusaw na, LVP ipinalit ng POC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Panibagong pahina sa Philippine volleyball ang nangyari nang kilalanin ng international volleyball fe­deration (FIVB) ang bagong tatag na Larong Volleyball sa Pilipinas (LVP) para siyang mamahala sa team sport sa bansa.

Sa liham na ginawa ni FIVB president Ary Graca, sinabi nito na ibinibigay ng federation ang provisionary blessing sa LVP pero dapat ay magkaroon ng halalan para sa uupong mga opis­yal bago lumagpas ang Pebrero 15.

“I hereby grant provisionary recognition to La­rong Volleyball sa Pilipinas, Inc. as the new volleyball federation of the Philippines under the umbrella of the POC,” wika ni Graca sa liham para kay POC president Jose Cojuangco Jr.

Bunga nito ay tuluyan nang inalis sa talaan bilang miyembro sa FIVB ang dating kinikilala na Philippine Volleyball Federation (PVF) na nitong Linggo ay nagsagawa ng halalan para sa kanilang bagong board members.

Si POC first Vice Pre­sident Joey Romasanta kasama sina POC second VP Jeff Tamayo, POC legal counsel Ramon Malinao, Shakey’s V-League president Ricky Palou at POC consultant Chippy Espiritu ang mga incorporators ng LVP at si Romasanta ang inaasahang magi­ging pa­ngulo ng bagong samahan.

“With this recognition, the dispute in volleyball will be put to rest,” wika ni Romasanta.

Ang paghahanda sa paglahok sa SEA Games sa Singapore at ang Asian Women’s U23 Volleyball Championship sa Mayo sa Pilipinas ang mga pa­ngunahing pagtutuunan ng LVP. (AT)

ARY GRACA

ASIAN WOMEN

CHIPPY ESPIRITU

JEFF TAMAYO

JOEY ROMASANTA

JOSE COJUANGCO JR.

LARONG VOLLEYBALL

PILIPINAS

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with