^

PSN Palaro

Teamwork susi ng Lady Chiefs sa titulo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling napatunayan na kayang manalo ng titulo ang isang koponan na nakikitaan ng teamwork sa malalaking kompetisyon tulad  sa 90th NCAA women’s volleyball.

Nakopo ng Arellano Lady Chiefs ang kanilang kauna-unahang kam­peo­nato matapos ang anim na taong pagsali sa pinakamatandang collegiate lea­gue sa bansa nang walisin ang multi-titled San Sebastian Lady Stags na nagwa­kas noong Biyernes sa The Arena sa San Juan City.

Masasabing walang dominanteng manlalaro ang tropang hawak ni coach Obet Javier pero sinandalan nila ang magandang pagtutulungan nina Danna Henson, Menchie Tubiera, Cristine Joy Rosario at team captain Rialen Sante para makabangon buhat sa kabiguang inabot noong nakaraang taon sa Perpetual Help Lady Altas sa championship round.

“Walang Arellano pla­yers sa binigyan ng individual  awards  dahil sa team na ito, lahat ay involved. Dapat lahat makakatulong sa opensa man o sa depen­sa,” wika ni Javier.

Si Tubiera ang siyang lumabas bilang number one scorer ng koponan sa championship series sa naitalang 31 hits para sa 15.5 average pero naroroon ang suporta nina Henson, Rosario at Rialen na gumawa ng 25, 22 at 17 hits matapos ang dalawang laro.

Sa kabuuan ng serye ay namayagpag ang mga Lady Chiefs spikers sa attack points, 83-69, at dinomina rin ang depensa sa 16-5 bentahe sa blocks. Nagtabla ang magkabilang koponan sa service aces sa tig-12.

“The whole Arellano University community is proud of the accomplishment of the team. This is the start of something bigger for us,” wika ni Peter Cayco, ang Management Committee representative sa liga.

Ang women’s volleyball title ang ikalawang titulo sa 90th season ng Arellano matapos pagharian ang seniors chess sa first semester. Ito na rin ang ikatlong title na napanalunan ng koponan mula sumali noong 2009 dahil nagkampeon na ang men’s beach volley team noong 2010 at 2011 seasons. (AT)

ARELLANO LADY CHIEFS

ARELLANO UNIVERSITY

CRISTINE JOY ROSARIO

DANNA HENSON

LADY CHIEFS

MANAGEMENT COMMITTEE

MENCHIE TUBIERA

OBET JAVIER

PERPETUAL HELP LADY ALTAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with