Pacquiao kumpiyansang mananalo sa Mayo 2; Mayweather sinisi si Arum sa mabagal na negosasyon

Si Manny Pacquiao sa Los Angeles movie premiere ng ‘Manny’ sa Hollywood, California.

MANILA, Philippines - Bagama’t hindi pa pormal na nakukumpirma ang ka­nilang laban ni Floyd May­weather, Jr. ay kumpi­yan­sa si Manny Pac­quiao na tatalunin niya ang American world five-division titlist.

Ipinahayag ito ni Pacquiao sa kanyang Twitter account na @MannyPacquiao kahapon.

“I can easily beat @Floyd­Mayweather, I believe that,” wika ni Pacquiao, na­nguna sa Los Angeles mo­vie premiere ng ‘Manny’ ka­sama ang asawang si Jin­kee at director na si Ryan Moore sa Hollywood, California.

Pumayag na si Pacquiao sa lahat ng kondisyones ni Mayweather para lamang matuloy ang kanilang banggaan sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Bi­nigyan na kamakalawa ng deadline ng 36-an­yos na si Pacquiao (57-5-2, 38 KOs) ang 37-anyos na si Mayweather (47-0-0, 26 KOs) ng hanggang ka­ta­pusan ng buwan para pir­mahan ang kanilang fight con­tract.

“If you really care about the fans, you will fight. If you care about yourself... you won’t fight. #MannySmile,” wika ni Pacquiao.

Sa isang panayam ay si­nabi naman ni Maywea­ther na mismong si Bob Arum ng Top Rank Promotions ang nagpapaantala sa negosasyon para sa kanilang mega bout ni Pac­quiao.

“It’s not Pacquiao, it’s his promoter. A lot of times, when Pacquiao says, ‘I ag­reed’ – you don’t have no­thing to do with this; you’re not a boss,” ani Maywea­ther. “On a chess board, you’re a pawn.”

Ipinagmalaki ni May­wea­ther na siya ang boss ng kanyang sari­ling promosyon, habang sunud-su­nuran lamang si Pacquiao kay Arum.

“You have a boss, that’s called Top Rank Promotions. It’s not called Pacquiao Promotions. With my company, it’s called May­weather Promotions,” sa­bi ng American fighter.

Hindi pa pormal na nakukumpirma ang naturang laban, ngunit inilagay na ng mga oddsmakers sa Las Vegas si ‘Pacman’ bilang underdog.

“Everyone had me as a big underdog to @Os­car­DeLaHoya too. If @FloydMayweather fights me boxing will get an even bigger upset victory,” sagot naman ng Sarangani Congressman. (RCadayona)

 

Show comments