MELBOURNE, Australia – Pinangunahan ni Novak Djokovic ang mga top men’s seeds papasok sa second round ng Australian Open.
Pinatumba ng World No. 1 na si Djokovic si Aljaz Bedene via straight sets sa kanyang hangad na pang-limang titulo sa Melbourne Park.
Umiskor ang Serb top seed ng 6-3, 6-2, 6-4 panalo laban sa 116th-ranked na Slovenian para makaharap sa second round ang sinuman kina Russian Andrey Kuznetsov o Albert Ramos-Vinolas ng Spain.
“It’s fading away. It hasn’t been an ideal couple of weeks in terms of health and preparation,” sabi ni Djokovic sa kanyang lagnat.
Binasag ng seven-time Grand Slam champion ng apat na beses ang serbisyo ni Bedene at may tatlong break points lamang sa kanyang sariling serbisyo para sa panalo niya.
Ang iba pang umabante sa second round ay sina Roger Federer at Rafael Nadal.
Tinalo ni Federer, hangad ang kanyang pang-limang Australian crown at ika-18 Grand Slam title, si Lu Yen-Hsun ng Tiwan, 6-4, 6-2, 7-5.
Pinabagsak ng 14-time Grand Slam champion na si Nadal si Russian Mikhail Youzhny, 6-3, 6-2, 6-2.
Nagposte si sixth seed Andy Murray ng 6-3, 6-4, 7-6 (7/3) tagumpay kontra kay Indian Yuki Bhambri.
Nagmartsa rin sa second round si Stan Wawrinka matapos gibain si Marsel Ilhan, 6-1, 6-4, 6-2.
Hindi pa natatalo ang No. 100 ranked na Swiss sa first round sa kanyang 10 beses na paglalaro sa Australian Open.
“It was great to be back on Rod Laver Arena again, it brings back so many memories from last year,” sabi ni Wawrinka.
Ipinagpatuloy ni Japanese star Kei Nishikori ang kanyang pamamayagpag makaraang talunin si Spaniard Nicolas Almagro, 6-4, 7-6 (7/1), 6-2.
Nakipaglaban ang Japanese fifth seed kay Almagro bago mangibabaw sa second-set tiebreaker kasunod ang pagwalis sa third at final set.
“Nicolas could be seeded player, and I know he was injured, but I was getting more balls,” wika ni Nishikori.