^

PSN Palaro

Durant inakay ang Thunder Magic niyanig sa balwarte

Pilipino Star Ngayon

ORLANDO, Florida – Aminado ang Oklahoma City Thunder na nahirapan silang manalo sa labas ng kanilang balwarte ngayong season.

Ngunit ang kanilang inilaro laban sa Magic ang magiging unang hakbang para mabago ito.

Nagtala si Kevin Durant ng 21 points, 11 rebounds at 8 assists para imando ang  Oklahoma City sa 127-99 paggiba sa Orlando.

Tumapos si guard Russell Westbrook na may 17 points at 6 assists, habang nagdagdag ng tig-16 mar­kers sina Serge Ibaka at Dion Waiters.

Hindi naghabol ang Thunder sa Magic na ka­ni­lang tinambakan ng 38 points para wakasan ang kanilang four-game road losing streak.

Sa Toronto, tinalo ng New Orleans Pelicans ang Raptors, 95-93, mula sa isinalpak na driving layup ni Tyreke Evans sa natitirang 1.6 segundo.

Kumamada si Evans ng 26 points kasunod ang 22 ni Alexis Ajinca  para sa panalo ng Pelicans na naglaro nang wala sina injured starters Anthony Davis (left foot) at Jrue Holiday (right ankle).

Sa San Antonio, tumipa si Tiago Splitter  ng 14 points, habang nagtala si Kawhi Leonard  ng 12 points at 9 rebounds para ihatid ang Spurs sa 89-69 panalo laban sa Utah Jazz.

Nag-ambag si Tim Dun­can ng 11 points sa loob ng 23 minuto para sa San Antonio, nakamit ang kanilang pangatlong sunod na panalo, kasama ang dalawa nang magbalik si Leonard sa lineup.

tumipa naman si Rudy Gobert ng 13 points at sea­son-high 18 rebounds sa panig ng Utah.

ALEXIS AJINCA

ANTHONY DAVIS

DION WAITERS

JRUE HOLIDAY

KAWHI LEONARD

KEVIN DURANT

NEW ORLEANS PELICANS

OKLAHOMA CITY

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with