Nelson sa Nuggets kapalit ni Robinson

MANILA, Philippines - Nakipagkasundo ang Boston Celtics sa isang trade kung saan nila ibibigay si point guard Jameer Nelson sa Denver Nuggets kapalit ni Nate Robinson, ayon sa pahayag ng league sources sa Yahoo Sports.

Inaasahang paplantsahin ng Celtics ang isang buyout sa Nuggets para sa $2.1 million contract ni Robinson kasunod ang pagbibitaw sa veteran guard.

Kung bibitawan ng Boston si Robinson ay maaari siyang hugutin ng Los Angeles Clippers.

Nauna nang nakipag-usap ang Clippers sa Nuggets tungkol kay Robinson.

Sinimulan naman ng 32-anyos na si Nelson ang sea­son sa paglalaro sa Dallas Mavericks bago dinala sa Boston sa Rajon Rondo trade noong Disyembre.

Nagtala siya ng mga averages na 6.8 points at 4.4 assists sa 29 games ngayong season.

Siya ay tumanggap ng $2.7 milyon ngayong season at may natitira pang $3.2 million player option para sa susunod na season.

Show comments