Beermen tumabla sa 2-2; Fajardo best player of the conference
Laro Bukas
(Smart Araneta Coliseum)
7 p.m. Alaska vs San Miguel (Game 5, Finals)
MANILA, Philippines - Nang mabaon ang Aces ng 23 puntos sa second period ay umasa si head coach Alex Compton na makakabalik pa sila sa laro.
Ngunit hindi na ito nangyari kagaya sa Game One at Game Three.
Hindi bumitaw ang San Miguel matapos humawak ng 23-point advantage sa halftime para talunin ang Alaska, 88-70, sa Game Four at itabla ang kanilang 2014-2015 PBA Philippine Cup Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Bumangon ang Beermen mula sa masaklap na 70-78 kabiguan sa Game Three noong Linggo para makatabla sa 2-2 sa kanilang best-of-seven championship series ng Aces.
“We were criticized. We want to show that we can also play defense,” sabi ni head coach Leo Austria.
Mula sa 49-26 bentahe sa halftime ay pinalobo ng San Miguel ang kanilang kalamangan sa 29 puntos, 55-26, galing sa basket ni Doug Kramer sa 10:07 minuto sa third period.
Napababa ito ng Alaska sa 17 puntos, 56-73, sa 10:23 minuto sa final canto.
Muling nagtuwang sina Arwind Santos, Alex Cabagnot at Chris Lutz para ilayo ang Beermen sa 82-60 sa huling 4:41 minuto ng laro na hindi na nakayanan ng Aces na putulin.
Tumapos si Cabagnot na may 22 points, kasama ang 4-of-10 shooting sa three-point range, habang nagdagdag si Best Player of the Conference winner June Mar Fajardo ng 11 points at 11 rebounds.
(Russell Cadayona)
San Miguel 88 - Cabagnot 22, Tubid 13, Lutz 11, Fajardo 11, Santos 11, Lassiter 10, Kramer 6, Ross 2, Semerad 2, Omolon 0, Pascual 0, Maierhofer 0, Fortuna 0, Chua 0.
Alaska 70 - Abueva 22, Manuel 9, Exciminiano 8, Baguio 6, Hontiveros 6, Jazul 5, Banchero 4, Thoss 4, Dela Rosa 4, Menk 2, Eman 0, Espinas 0, Dela Cruz 0, Casio 0.
Quarterscores: 33-16; 49-26; 73-49; 88-70.
- Latest