Leonard makakabalik na para sa San Antonio

Ang game-winning shot ni Brandon Jennings ng Pistons laban sa Spurs.

SAN ANTONIO – Po­si­bl­eng makabalik na sa pag­lalaro si Spurs star Ka­whi Leonard sa loob ng da­lawang linggo matapos mag­karoon ng hand injury.

Inaasahang makakasama si Leonard sa kanilang light basketball activities nga­yong linggo para ibalik sa porma ang kanyang shooting hand.

Si Leonard ang hinirang na 2014 NBA Finals MVP para sa defending champion na Spurs at isa sa mga elite defenders ngayon sa NBA.

Hindi pa siya naglalaro sa­pul noong Dec. 15 nang la­banan ng San Antonio ang Portland.

Hindi siya nakita sa 10 su­nod na laban ng Spurs.

Naglista siya ng mga averages na 15.2 points, 7.6 rebounds at 2.0 steals per game para sa San Antonio, ka­salukuyang may 21-15 record.

Show comments