^

PSN Palaro

Cotto itinanggi ang $40M alok ni Mayweather

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng kampo ni Miguel Cotto ang na­­paulat na alok mula sa panig ni Floyd Mayweather Jr. na $40 million para mu­ling magtuos sila sa ring.

“No, the information is false. We did not get offered $40 million to fight Floyd,” wika ni Gaby Penagaricano, ang legal adviser ni Cotto, sa panayam ng RingTV.com

Kahit si Bob Arum ng Top Rank ay nagsabing hindi totoo ang balita dahil si Cotto ay balak isabak kay Canelo Alvarez.

“That is nonsense,” ani Arum sa Boxingscene.com. “It’s just not true, we’re negotiating with Cotto to finalize this fight with Canelo (Saul Alvarez) and we’ve been absolutely assured that’s not true.”

Si Cotto na natalo kay Manny Pacquiao noong 2009, ay nabigo rin kay Mayweather sa pagtutuos na nangyari noong Mayo 5, 2012.

Ang mga pagtangging ito ng dalawang personalidad sa kampo ni Cotto ang nagpapanatiling matibay sa pinaplanong pagkikita nina Pacquiao at Mayweather sa 2015.

Wala pang matibay na usapan sa inaasam na mega fight sa pagitan ng dalawang matitinding boksingero sa kapanahunang ito pero naghayag na ang isang investment group mula United Arab Emirates ng kahandaan na bayaran si Mayweather ng $200 milyon matuloy lamang ang laban.

Nakikipag-usap na si Arum kay Les Moonves na siyang CEO ng CBS na nagmamay-ari sa Showtime na kung saan nakakontrata si Mayweather.

Inaasahan sa Enero ay magkakaroon ng linaw sa labang gustong makita ng lahat ng panatiko sa mundo ng boxing.

 

BOB ARUM

CANELO ALVAREZ

COTTO

FLOYD MAYWEATHER JR.

GABY PENAGARICANO

LES MOONVES

MAYWEATHER

MIGUEL COTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with