Ali bumubuti na ang kondisyon

MANILA, Philippines – Gumanda na ang kon­disyon ni Muhammad Ali matapos ipasok sa ospital kamakailan dahil sa pneumonia.

Ayon sa spokesman na si Bob Gunneli ay maari ring palabasin na ng pagamutan ang 72-anyos at three-time world heavyweight champion sa loob ng ilang araw.

“The Ali family continues to request privacy and appre­ciates all of the prayers and well wishes. No further details are being released,” wika ni Gunneli.

Si Ali na tinaguriang “The  Greatest” dahil tatlong beses siyang kinilalang heavyweight champion ng mundo ay nagretiro sa pagbo-boxing noong 1981 at nagtala siya ng 56-5 karta.

Noong Setyembre, si Ali na mayroon ding Parkinson’s disease, ay nakita ng publiko nang dumalo sa Muhammad Ali Humani­tarian Awards sa Louisville, Kentucky.

Show comments