Legends winalis ang Sealions

MANILA, Philippines - Dinurog ng paboritong Siargao Legends ang Sealions, 110-92, para kum­pletuhin ang 3-0 sweep sa semifinals ng 4th DELeague Invitational Basketball Tournament noong Linggo sa Marikina Sports Center sa Marikina City.

Si CJ Perez ay mayrooong 16 puntos para sa Siargao na magkakaroon ng twice-to-beet advantage sa Hobe-JVS sa Finals na sisimulan bukas ng gabi.

Dinaig ng Hobe-JVS ang Sta. Lucia Land Inc., 66-61, sa isang do-or-die game.

Parehong may 1-1 baraha ang dalawang koponan bago nagtuos kaya’t ang Sta. Lucia Land Inc. (1-2) at ang Sealions (0-3) ay maglalaban na lamang para sa ikatlong puwesto sa ligang inorganisa ni Marikina Mayor Del De Guzman.

Sisimulan bukas ang championship match sa alas-8:30 ng gabi  sa pagitan ng  Siargao at Legends kung saan ang mga ticket ay mabibili sa P10 lang.

 

Show comments