^

PSN Palaro

Hapee kakalas para masolo ang itaas

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares Sports

Arena, Pasig City)

 10 a.m. MP Hotel

vs Tanduay Light

12 nn. Hapee

vs Wangs  Basketball

2 p.m.  MJM Builders

vs Café France

 

MANILA, Philippines - Makikita ang buti ng mahabang pahinga sa Hapee sa pagbabalik-laro ng PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Katunggali ng Fresh Fighters ang Wangs Basketball sa ikalawang laro dakong alas-12 ng tanghali at ikaanim na sunod na panalo ang maililista ng koponang hawak ni Ronnie Magsanoc para masolo ang liderato sa liga.

Nasa 13-day break ang Hapee matapos kanselahin ang laro laban sa Café France Bakers noong Lunes dahil sa bagyong Hagupit at ginamit ng koponan ang bagay na ito para mabuo ang samahan ng kanilang manlalaro.

“Nakatulong ang break para mag-develop ang team chemistry dahil hindi talaga kami nakakapag-ensayo bilang isang team dahil may pinaglalaruan pang liga ang mga collegiate players namin,” wika ni Magsanoc.

Ang pinaigting na samahan ay maipantatapat ng Hapee sa determi­na­dong Couriers na kaila­ngang manalo para gumanda pa ang tsansang maalpasan ang single round elimination.

May 2-3 baraha ang Wangs at galing sila sa 73-77 overtime pagkatalo sa Tanduay Light Rhum Masters sa huling asignatura.

Ang Bakers ay mapapalaban sa MJM Buil­ders sa huling laro dakong alas-2 ng hapon at nais na paigtingin ang pumapang-apat na 4-1 karta habang ang Rhum Masters ay makikipagsukatan sa MP Hotel Warriors hanap ang ikalawang sunod na panalo para ma­itaas ang kasaluku­yang 2-4 baraha. (AT)

ANG BAKERS

D-LEAGUE ASPIRANTS

FRANCE BAKERS

FRESH FIGHTERS

HAPEE

HOTEL WARRIORS

LARO NGAYON

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with