Air Force kampeon sa PSC Chairman’s Cup

MANILA, Philippines – Humataw ng three-run homerun si Ernesto Binarao sa isang two-out situation sa third inning, habang nagpasi­kat ang relief pitcher na si Jon Jon Robles para kilala­ning kampeon ang Air Force sa 2nd PSC Chairman’s Cup Baseball Classic sa pa­mamagitan ng 7-3 panalo sa nagdedepensang Philab kahapon sa Ri­zal Memorial Baseball Dia­mond.

Naunang umabante ang Phi­lab sa 3-0 matapos ang unang dalawang innings pe­ro pinawi ito ng Air Force sa limang runs mula sa limang hits sa sumunod na inning.

May one-run double si Ri­zel Santos, habang run-single ang ginawa ni Junifer Pinero para ipasok sina Christian Galedo at Jerome Ba­saricas.

Sinundan ito ni Binarao ng malakas na hataw sa fast ball pitch ni Ballbusters pit­cher Joseph Orillana patu­ngo sa upper wall ng left field tungo sa homerun at pa­iskorin din sina Santos at Pinero tungo sa 5-3 kala­mangan.

Hindi natalo sa kabuuan ng torneo ang Air Force at bi­nawian nila ang Philab na tumalo sa kanila ng da­lawang beses tungo sa ko­rona sa unang edisyon sa palarong inorganisa ni PSC chairman Ricardo Garcia.

Hindi nakarating si Garcia sa awarding ceremony da­hil nasa Malaysia ang PSC chief para sa pagbu­bukas ng 2014 BIMP-EAGA Games.

Show comments