Adamson tumabla sa FEU sa 2-2 marka

MANILA, Philippines – Ikinampay ng Adamson ang  kanilang mga pakpak nang pabagsakin ang FEU, 25-19, 27-25, 25-13, sa UAAP women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Mylene Paat ay may 13 kills at 4 blocks patungo sa kanyang 17 hits, habang kinana ni Jessica Galanza ang lahat ng 16 puntos mula sa atake at si Amanda Villanueva ay may 10 para sa magkatulad na 2-2 baraha ng Lady Falcons at Lady Tamaraws.

Matapos matalo sa first set ay inagaw ng FEU ang 12-6 bentahe sa second set, ngunit nagtulong sina Paat at Galanza sa 9-0 bom­ba para hawakan ang 15-12 kalamangan ng Adamson.

Lumaban ang Lady Ta­maraws sa 24-22 iskor sa pag-angkin ng sumunod na tatlong puntos para umabante sa set point, 25-24, mu­­la sa ace ni Yna Louise Pa­pa.

Show comments