^

PSN Palaro

Indian IM umalpas na sa mga kalaban

Pilipino Star Ngayon

TAGAYTAY CITY, Philippines – Tinalo ni Indian International Master Srinath Narayanan si Istraelito Rilloraza sa fifth round para banderahan ang 2014 Asian Juniors and Girls’ Chess Cham­pionships sa Tagaytay International Convention Center noong Lunes ng gabi.

Handa nang kunin ng knight ni Narayanan ang queen at rook ni Rilloraza nang isuko ng Far Eastern University high school sophomore ang laban.

Itinaas ng defending champion ang kanyang estado sa 4.5 points kasunod si Fide Master Paulo Bersamina (3.5) sa huling apat na rounds.

Nagkasundo sa draw sina Bersamina at IM Jan Emmanuel Garcia na nagbigay ng pagkakataon kay Narayanan na makalayo sa Open division ng torneong para sa players na may edad 20-anyos pababa.

Samantala, tinalo ni Da­ryl Unix Samantila si Bangladeshi Haque Siam Israel para makisosyo kina Bersamina at Mongolian FM Sumiya Bilguun.

Pinayuko naman ni Bilguun si John Merill Jacutina para maunahan si Garcia (3.0).

Sa girls’ division, dinaig ni WIM Furtado Ivana Maria ng India ang kababa­yang si WFM Rucha Pujari para makasalo si WFM Sholpan Zhylkaidarova ng Kazakhstan sa itaas sa magkatulad nilang 4.0 points.

Binigo ni Mikee Charlene Suede si Indian WFM Rucha Pujari para sa kanyang ikatlong sunod na panalo sa itinalang 3.5 points.

ASIAN JUNIORS AND GIRLS

BANGLADESHI HAQUE SIAM ISRAEL

BERSAMINA

CHESS CHAM

FAR EASTERN UNIVERSITY

FIDE MASTER PAULO BERSAMINA

FURTADO IVANA MARIA

INDIAN INTERNATIONAL MASTER SRINATH NARAYANAN

ISTRAELITO RILLORAZA

RUCHA PUJARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with