^

PSN Palaro

Alcala kampeon sa Singapore Youth Badminton

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagharian ni Mark Alcala ang 2014 OUE Singapore Youth International 2014 sa OCBC Arena hall 2 sa Singapore kamakailan.

Ang 15-anyos na si Al­cala ay bumangon mula sa pagkatalo sa second set para silatin si third seed Gunawan Farid Pramadita, 21-17,18-21, 21-16, sa finals sa Under-17 singles division.

Ang panalo ay sen­ya­les na handa si Alcala sa gaganaping Axiata Cup sa Jakarta mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 3 kasama ang mga ka­sapi ng PBA (Philippine Badminton Association)-Smash Pilipinas.

Para makapasok sa finals, tinalo rin ni Alcala ang top seed na si Ng Zin Rei Ryan, 24-22, 21-18, sa Last 16.

Pinabagsak niya si Kaneko Mahiro ng Japan, 21-14,18-21, 21-12 sa quarterfinals bago tinalo si Islam Saehul, 21-17, 21-15, sa semifinals.

Si Alcala ay isa sa mga paborito na manalo sa P1.5 million Bingo Bonanza National Open badminton tournament na magbubukas sa Disyembre 11 sa Rizal Memorial Badminton Center.

Ang pagsali niya sa Singapore ay suportado ni PBA honorary chairperson at dating First Lady Amelita Ramos at ng  Allied Victor Badminton Club at PCOME katuwang ang PBA Smash Badminton Club.

ALCALA

ALLIED VICTOR BADMINTON CLUB

AXIATA CUP

BINGO BONANZA NATIONAL OPEN

DISYEMBRE

FIRST LADY AMELITA RAMOS

GUNAWAN FARID PRAMADITA

ISLAM SAEHUL

KANEKO MAHIRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with