Perpetual teams asam ang 2-0 marka

Pinilit ni tosser Shyrra Cabriana (8) ng nagde­depensang Perpetual Lady Altas ni multi-titled coach Sinfronio ‘Sammy’ Acaylar na mahabol ang bola, ha­bang nakatingin ang kanyang mga kakam­ping sina rookie Lourdes Clemente (5) at Ana Dio­careza (7) sa kanilang laro laban sa JRU Lady Bom­bers noong Nobyembre 12 sa SM Mall of Asia Arena. (Dennis Caparas-Abrina/UPH Media Bureau)

MANILA, Philippines – Ang pangalawang dikit na panalo ang hanap ng nagdedepensang Perpe­tual Help sa pagpapatuloy nga­yon ng 90th NCAA volleyball sa The Arena sa San Juan City.

Kalaro ng Altas at Lady Altas ang panlaban ng Mapua sa unang laro sa anim na larong nakahanay sa liga.

Ang Altas ay galing sa 25-19, 25-14, 25-20 panalo laban sa Jose Rizal University Bombers, habang mas pinawisan nang kaunti ang Lady Altas dahil sa 22-25, 25-18, 25-20, 25-19 panalo nila sa Lady Bombers sa mga unang la­ro.

Paborito ang dalawang nagdedepensang kampeon dahil kapwa talunan ang mga koponan ng Mapua sa kamay ng Arellano sa unang laro.

Sina Ma. Lourdes Cle­mente, Ana James Dio­careza, Jamela Suyat at Cindy Imbo ang mga mag­tutulung-tulong muli para sa Lady Altas, habang sina Neil Barry Ytorzaita, Rey Ta­neo at Bonjomar Castel ang mga kakamada para sa Altas.

Sunod na laro ay ang St. Benilde kontra Emilio Aguinaldo College at Jose Rizal at laban sa Letran.

Parehong galing sa ma­garang panalo ang mga ko­ponan ng St. Benilde at EAC kaya’t inaasahang ma­giging balikatan ang ka­nilang tagisan.

Mag-uuna­han naman sa pagba­ngon mula sa ka­biguan ang mangyayari sa pagtu­tuos ng JRU at Letran sa mag­kabilang dibisyon.

Show comments