Globalport umiskor sa Kia

Nakuha ni Stanley Pringle ng Globalport ang rebound laban kay Hans Thiele ng Kia habang nakaalalay ang kasamang si Anthony Semerad.(PMphotoniJunMendoza)  

MANILA, Philippines – Kinailangan pang sigawan ni coach Pido Jaren­cio ang kanyang mga Ba­tang Pier sa halftime para makamit ang kanilang pa­ngalawang panalo sa apat na laro.

Nagtuwang sina No. 1 overall pick Stanley Pringle at rookie forward Anthony Semerad sa final canto para tulungan ang Globalport sa 84-79 panalo kontra sa Kia Sorento sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nagsalpak si Pringle ng apat na sunod na free throws sa dulo ng fourth quarter, habang umiskor naman ng anim sa kanyang 10 points si Semerad.

“Conference by confe­rence lagi kami sa ilalim. Nakakapagod din 'yun. This win will boost our confi­dence,” sabi ni Jarencio, nakahugot ng 19 points kay Ronjay Buenafe.

Sumosyo ang Globalport sa Talk 'N Text at Rain or Shine sa magkakatulad nilang 2-2 record sa ilalim ng Alaska (3-0), San Miguel (3-0), Ginebra (2-1), Meralco (2-1) at NLEX (2-1) kasunod ang nagdedepensang Purefoods (1-2), Kia (1-3), Blackwater (0-3) at Barako Bull (0-3).

Itinayo ng Sorento ang 11-point lead, 47-36, sa halftime kung saan siniga­wan ni Jarencio ang kanyang mga Batang Pier.

Naging positibo ito para sa Globalport matapos magpakawala ng 13-4 ata-ke para makalapit sa 49-51 bago tuluyang agawin ang unahan sa 62-57 sa hu­ling 57.8 segundo sa third quarter.

Nakatabla ang Kia sa 69-69 sa 6:35 minuto ng final canto at ang huli nilang pagdikit ay sa 76-80 buhat sa basket ni Hans Thiele sa 1:17 minuto ng laro.

Isinalpak ni Pringle ang apat na sunod na free throws para selyuhan ang panalo ng Batang Pier.

Globalport 84 - Buenafe 19, Pringle 13, Semerad 12, Isip 10, De Ocampo 8, Ponferada 6, Jensen 5, Pinto 4, Taha 3, Romeo 2, Baclao 2, Caperal 0, Nabong 0.

Kia 79 - Thiele 19, Cervantes 15, Padilla 11, Jaime 9, Buensuceso 7, Raymundo 7, Alvarez 4, Dehesa 4, Lingganay 3, Revilla 0, Alonzo 0, Saldua 0, Pascual 0.

Quarterscores: 13-19; 36-47; 62-61; 84-79.

Show comments