Trillanes sinibak si Buenaventura

MANILA, Philippines - Umiskor ang six seed na si Jan Harold Trillanes ng 6-2, 7-5 tagumpay laban kay Jose Martin Buenaventura at pumuwesto sa third round ng boys’ 12-under sa 33rd Philippine Columbian Association (PCA) Open na hatid ng Cebuana Lhuillier at Metro Global Holdings kahapon sa PCA indoor shell clay courts sa Paco, Manila.

Ang panalo ay nagdala kay Trillanes na sagupain si Matthew Garcia, humataw ng 6-1, 6-1 panalo kay Juan Alfonso Lacuna.

Umabante rin sa susunod na yugto sina seventh pick Sebastien Lhuillier at Jose Rafael Cruz nang manalo sa kani-kanilang kalaban sa torneong supor­tado ng Dunlop, Fujidenzo/Whirlpool, Babolat, Head, Accel, Malate Bayview Mansion, Coca-Cola Bottlers Phils. Inc., Philippine Prudential Life Insurance Company Inc.,  Seno Hardware at ni Hon. Emmanuel “Manny” Pacquiao.

Magaang na giniba ni Lhuillier si Sean Andre Bernardo, 6-1, 6-1 habang walang hirap namang umusad si Cruz nang ‘di sumipot ang kalabang si fifth seed Diego Dayrit.

Hindi naman mapigil ang pagpapanalo nina No. 7 Minette April Bentillo, No. 12 Prince Najeeb Langitao, Samuel Reane Nuguit at Jude Hidalgo para makapasok sa third round ng 10-under unisex category.

Ginapi ni Bentillo si Joaquin De Leon, 6-4, 4-1; pinayuko ni Langitao si April Christine Bautista, 4-0, 4-0; tinalo ni Samuel Reane ang kaniyang kapatid na si Shant Raven, 4-1, 4-2; at iginupo ni Hidalgo si Joshua Diva, 2-4, 5-3, 5-2.

Magsisimula ngayon ang girls’ division na tatampukan lamang ng tatlong kategorya--ang12-under, 14-under at 16-under.

 

Show comments