Algieri may natutunan kay Marquez

MANILA, Philippines - Handa si American challenger Chris Algieri kahit sa anong weight division sila maglaban ni Manny Pac­quiao.

Ito ang deklarasyon ni Tim Lane, ang chief trainer ni Al­gieri, ilang linggo bago ang laban ng 5-foot-10 American sa 5’6 na si Pacquiao.

Gagawin ang laban ni­na Pacquiao at Algieri sa catchweight na 144 pounds na ayon kay Lane ay magi­ging malaking bentahe sa 30-anyos na challenger.

“He’s a huge 140 poun­der,” wika ni Lane kay Algieri. “His best weight is at 144 so right in between 140 and 147, which is where we’re going to meet, which is Chris’ best weight. I don’t know who chose this weight but they chose it perfectly for Chris. The catch weight played into our hands for sure.”

Itataya ng 35-anyos na si Pacquiao ang kanyang ha­wak na World Boxing Or­ganization (WBO) welter­weight crown laban kay Al­gieri sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, Chi­na.

Sinabi ni Lane na pi­na­nood niya ang mga na­ka­raang fight tapes ni Pac­quiao, at partikular dito ang pag­sagupa ni ‘Pacman’ ki­­na Mexicans Juan Manuel Marquez at Erik Morales.

Ayon kay Lane, marami si­yang napulot na leksyon pa­ra matalo si Pacquiao.

Sinabi ni Lane na ang is­tilo ni Marquez ang pinaka­ma­bisang sandata para ta­lunin si Pacquiao.

“After the fight happens I’ll tell you what I saw, espe­cially in all the Marquez fights,” sabi ni Lane.

 

Show comments