Algieri kay Pacquiao: ‘Don’t get hurt playing basketball’

CARSON, California – Bumisita si Chris Algieri sa StubHub Center para manood ng boxing card at pag-usapan ang kanyang darating na laban kay Manny Pacquiao.

Hinarap ng tubong Huntington, New York ang ilang scribes na tila galing siya sa isang fashion magazine.

Para siyang isang celebrity.

Sinabi ni Algieri na patuloy ang kanyang ginagawang training para sa kanilang Nov. 23 match ni Pacquiao sa Macau.

Kumpiyansa siyang mananalo sa Filipino pride.

“I’m a very positive person. In my mind I see nothing but victory,” sabi ni Algieri sa isang 15-minute interview.

Sinabi ni Algieri na nakatutok siya sa kanyang training at ayaw niya na masaktan si Pacquiao sa paglalaro sa PBA.

“Manny, please don’t get hurt playing basketball. I want the fight to happen,” pahayag ni Algieri.

Show comments