No. 4 seat muling nakuha ng JRU
MANILA, Philippines - Kumapit muli ang host Jose Rizal University sa ikaapat na puwesto matapos magdesisyon ang Mapua na huwag nang ilaro ang kanilang tagisan sa 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Babalik na mula sa one-game suspension sina Ronnel Villasenor at Darrel Magsigay pero hindi pa rin sila puwedeng isalang dahil sa mga iniindang injuries.
Si Carlos Isit na siyang sinuntok ni John Tayongtong ng Emilio Aguinaldo College para pasiklabin ang rambulan ng dalawang koponan ay nagkaroon ng fractured right cheekbone.
Sasaluhan ng JRU ang Perpetual Help sa 11-6, habang maiiwan sa ika-limang puwesto ang College of St. Benilde (10-6).
Ang four-time defending champions na San Beda ay nakakuha ng ‘twice-to-beat’.
- Latest