^

PSN Palaro

Unang ginto sa ASIAD mula sa Fil-Am BMX rider: Sa wakas nakaisa rin

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, Korea -- Ti­napos ni 2012 London Olympian Daniel Caluag ang paghihintay na makati­kim ng gintong medalya ang Team Philippines nang pa­ngunahan niya ang BMX cycling competition sa 17th Asian Games kahapon sa Ganghwa Asiad BMX Track.

Mula sa seeding run ay itinatak agad ni Caluag ang kanyang husay laban sa pi­tong iba pang katunggali sa nangunang 35.486 se­gundo tiyempo bago pina­ngu­nahan pa ang tatlong ka­rera sa 35.277, 35.366 at 35.431 patungo sa gintong medalya.

Ang panalo ng 2013 SEA Games gold medalist ay magandang regalo kay Chief of Mission at PSC chairman Ricardo Garcia na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon.

“If I knew sana mas ma­­aga ang birthday ko pa­­ra maaga pa tayo nagka-gold,” may pabirong wika ni Garcia.

Susuklian ang kabayanihan ni Caluag sa ipagka­ka­loob na P1 milyong gantimpala base sa Incentives Act ng pamahalaan.

Nagkaroon pa ng isang bronze medal ang taek­wondo na hatid ni Mary An­jelay Pelaez na hindi kinaya ang husay ng Koreanang si Sohui Kim (14-2) sa semifinals ng women’s -46kg.

Sumalang din sina Pau­­line Louise Lopez at Chris­tian dela Cruz pero bi­­go silang mag-ambag ng medalya sa hanay ng mga jins sa women’s -57kg at men’s -80kg.

Sa kasalukuyan ay may isang ginto, dalawang pilak at limang tansong medalya ang Pilipinas papasok sa hu­ling dalawang araw ng kom­petisyon.

May posibilidad pang ma­dagdagan ang gintong me­dalya dahil apat na bok­singero ang maglalaro nga­yon sa semifinals.

Si London Olympian Mark Anthony Barriga ay ma­papalaban kay Shin Jonghun sa light flyweight, ma­susukatan si Mario Fernandez kay Jiawei Zhang ng China sa bantamweight, si Charly Suarez ay makikilatis kay Alkasbeh Obada Mohammad ng Jordan sa lightweight at si Wilfredo Lopez ay gagawa ng pangalan laban sa isa pang Jordanian boxer  na si Odai Riyad Aldel Alhindawi.

Target ng 150-Pambansang atleta ang mahi­gitan ang tatlong ginto, apat na pilak at siyam na tansong medalyang na­sung­kit noong 2010 Asian Games na idinaos sa Guangzhou, China.

Hindi naman nakalusot ang tambalang Jhonmar Arcilla at Noelie Conchita Zoleta matapos yumukod sa Chinese pair na sina Mo Zhou at Hui Chen sa quarterfinal round ng soft tennis mixed doubles event.

Namaalam din para sa me­dalya si Jason Balabal nang talunin ni Azat Bei­shebekov ng Kyrgyztan sa quarterfinals ng men’s Greco-roman 85kg. sa wrestling event.

Nabigo rin ang huling lahok ng taekwondo team na si Christian Al dela Cruz ma­tapos tumumba kay Mak­sim Rafalovich ng Uzbekistan sa quarterfinals ng men’s 80kg. class.

Nakawala  sa Blu Girls ang bronze medal nang ma­­bokya sa China 3-0 sa wo­men’s softball event.

ALKASBEH OBADA MOHAMMAD

ASIAN GAMES

AZAT BEI

BLU GIRLS

CALUAG

CHARLY SUAREZ

CHIEF OF MISSION

CHRISTIAN AL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with