Sadia, Cadosale bumandera sa Bacolod qualifying

BACOLOD CITY, Philippines – Na­ngu­na sina elite runners Mac­lin Sadia at Stephani Ca­dosale sa men’s at wo­men’s 21-kilometer race sa qualifying leg ng 38th Na­tional MILO Marathon.

Kabuuang 9,266 runners, doble sa numero no­­­ong nakaraang taon sa Du­maguete, ang lumahok.

Nagposte ang 21-an­yos na si Sadia ng oras na 01:14:16 para ungu­san sina Joel Alcorin (01:14:22) at Rowell Hulleza (01:17:16).

Naglista si Cadosale ng bilis na 01:33:43 para iwanan si­na Mereeis Ramierez (01:38:59) at Iresh Belleza (01:42:42).

Bukod sa tropeo ay na­kamit din nina Sadia at Ca­dosale ang premyong tig-P10,000.

Nakakuha rin sina Sadia at Cadosale ng tiket pa­­ra sa National Finals na na­katakda sa Disyembre 7 sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City at tsansang masikwat ang MILO Marathon King at Queen title.

Ang makakakuha sa na­­turang mga titulo ang ipa­padala ng MILO sa Japan para sa 2015 Tokyo Ma­­rathon.

Ang mga susunod na qua­lifying race ay idaraos sa Tagbilaran (Oktubre 5), Ce­bu (Oktubre 12), Butuan (Ok­tubre 19), Cagayan De Oro (Nobyembre 9), Gene­ral Santos (Nobyembre 16) at Davao (Nobyembre 23).

Sa suporta ng Department of Education at ng Na­tional MILO Marathon run­ners, ang Help Gives Shoes advocacy ng MILO ay magbibigay ng running shoes sa 16,000 underpri­vileged youth.

Show comments