Garcia binalaan si Pacquiao

Danny Garcia

MANILA, Philippines -  Dapat mag-ingat si Man­ny Pacquiao sa mga ka­hilingan nito.

Ito ang babala ni world light welterweight titlist Dan­ny Garcia hinggil sa sinasabing pagpuntirya sa kanya ni Pacquiao sa susunod na taon.

 Ilang beses nang nababanggit ang pangalan ni Garcia kaugnay sa mga po­sibleng lalabanan ni Pacquiao.

“I think that’s a great fight for me, Manny Pacquiao,” sabi ni Garcia sa pa­nayam ng Boxingscene.com.

Gusto ni chief trainer Fred­die Roach na sagupa­in ng 35-anyos na si Pacquiao ang 26-anyos na si Garcia sakaling talunin ni ‘Pacman’ si American chal­lenger Chris Algeiri sa Nobyembre 22 sa The Ve­netian sa Macau, China.

Sinabi ni Garcia na mahihirapan sa kanya ang Fi­lipino world eight-division champion.

“I’m bigger than him, I’m strong, I’m a good counter-puncher. I’m young, I’m in my prime,” sabi ni Garcia kay Pacquiao. “And I’ll say this, be careful what you wish for.”

Dala ni Garcia ang 29-0-0 win-loss-draw ring re­cord kasama ang 17 knock­outs at suot ang mga ko­rona ng WBC, WBA at Ring Magazine sa light wel­terweight division.

Samantala, sa isang epi­sode ng Showtime ‘All Access’ series ay nakita si Floyd Mayweather, Jr. na nakaupo sa isang sofa at napapaligiran ng ilang hu­mihithit ng marijuana.

Sa pagkuwestiyon sa kan­ya ng Nevada State Ath­letic Commission ay ina­min ni Mayweather na ang lahat ng napapanood sa ‘All Access’ series ay pa­wang scripted.

“It wasn’t real marijuana,” ani Mayweather. “It’s all about entertainment…. I don’t want to just sell a fight. I want to sell a lifestyle.”

Ang nasabing pagsisi­nu­ngaling ni Mayweather ay ikinainis naman ni Pacquiao.

Naniniwala ang Sarangani Congressman na wala ta­lagang plano si Maywea­ther na labanan siya dahil sa inaalagaan nitong mali­nis na ring record.

“@FloydMayweather’s tes­timony to the commission on All Access’ authenticity tells me everything I need to know about his de­sire to fight me,” wika ni Pacquiao sa kanyang of­ficial Twitter account na @Manny Pacquiao.

Ang nasabing pahayag ni Pacquiao (56-5-2, 38 KOs) ang inaasahang mu­ling ma­­giging dahilan ng tulu­yang pagkakabasura ng kanilang inaabangang super fight ng 37-anyos na si Mayweather (47-0-0, 26 KOs) para sa susunod na taon.

Matapos muling payukurin si Marcos Maidana sa kanilang rematch kama­kailan ay sinabi ni Maywea­ther na bukas ang kanyang op­syon para labanan si Pac­­quiao.

Nauna nang sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na payag ang HBO at Show­time networks na resolbahan ang ka­nilang sigalot para mai­tak­da ang banggaan nina Pac­quiao at May­weather sa 2015.

 

Show comments