^

PSN Palaro

Blatche walang nakuhang NBA offer; maglalaro na lang sa Chinese League

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang dudang naging malaking bagay ang impresibong ipinakita ni naturalized player Andray Blatche sa na­­karaang 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Isa sa mga nakaakit ng atensyon ng 6-foot-11 na si Blatche ay ang Chinese Basketball Association.

Ayon sa mga online reports, pumirma ang dating Brooklyn Nets player ng isang one-year contract sa CBA team na Xinjiang Guanghui Flying Tigers na nagkakaha­laga ng $2.5 milyon.

Binanderahan ni Blatche ang lahat ng players sa 2014 FIBA World Cup sa efficiency rating mula sa kanyang mga averages na 21.2 points at 13.8 rebounds.

Hindi siya naisama sa Gilas Pilipinas para sa 17th Asian Games matapos ideklarang ineligible ng games or­ganizer dahil hindi nakapasa sa three-year residency rule.

Wala rin siya sa NBA subalit inaasahang makikita sa playoffs sa pagtatapos ng CBA season sa Marso.

Sa nakaraang season ay nagposte si Blatche ng mga ave­rages na 11.2 points at 5.3 rebounds sa 73 games pa­ra sa Brooklyn.

Makakatambal ni Blatche ang isa pang dating NBA pla­yer na si Jordan Crawford para sa Flying Tigers na ha­­ngad muling makapasok sa Finals ng CBA matapos ma­­bigo sa Beijing Ducks sa nakaraang season.

Huling naglaro si Crawford, ang 2010 NBA draft No. 27 pick, sa NBA para sa Golden State Warriors matapos ku­mampanya sa Atlanta Hawks, Washington Wizards at Boston Celtics.

 

ANDRAY BLATCHE

ASIAN GAMES

ATLANTA HAWKS

BEIJING DUCKS

BOSTON CELTICS

BROOKLYN NETS

CHINESE BASKETBALL ASSOCIATION

FLYING TIGERS

SHY

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with