Unang medalya asam ng mga wushu artists

INCHEON, South Korea – Sa ikatlong araw ng Asian Games posibleng maganap ang unang malaking selebrasyon sa hanay ng Pam­bansang delegasyon.

Ito ay dahil ang mga san­­da artists na sina Jean Claude Saclag, Francisco So­lis at Divine Wally ay magtatangkang bigyan ng medalya ang Pilipinas na hangad higitan ang 3 gold, 4 silver at 9 bronze medals na naiuwi noong 2010 sa Guangzhou, China.

Nasa quarterfinals na ang tatlong manlalaro.

Katunggali ni Saclag si Hendrik Tarigan ng Indonesia sa men’s -60-kilogram event.

Si Solis ay mapapalaban kay Ting Hong Wong ng Hong Kong sa men’s -56kg., habang si Wally ay ma­kikipagtuos naman kay Kim Hyebin ng Korea.

Kung papalarin ang na­banggit na wushu experts, sila ay papasok sa semifinals at makakatiyak na ng medalya para sa Pilipinas.

Nanggaling si Saclag sa 2-0 panalo kay Lin Tun Kyaw sa unang laban at sa­sandalan din niya ang ka­rana­sanang nakuha noong na­katanso sa 2013 World Cham­pionships sa Kuala Lumpur, Malaysia kontra kay Tarigan na pinagpahi­nga si Helal Ali Mohammed Alhajj ng Yemen.

Si Solis ay umani rin ng 2-0 panalo laban kay Ur Rehmans Shams ng Pa­kistan, ha­bang si Wong ay may ga­nito ring iskor kay Lee Wei Loong ng Malay­sia.

Galing naman si Wally sa 2-0 pananaig kay Ho pero mapapalaban siya kay Kim na bukod sa pambato ng  host country ay  nag-bye rin sa first round at sariwang haharap sa Filipina sanda player.

Show comments