St. Clare itinakda ang title showdown vs CEU

MANILA, Philippines – Gumamit ang Saint Clare College of Caloocan ng 20-0 bomba sa ika­apat na yugto para kunin ang  76-46 panalo sa Rizal Technological University at umabante sa NAASCU Finals noong Linggo sa Makati Coliseum.

Bago rumagasa ang Saints ay nanakot pa ang Blue Thunder sa pagdikit sa apat na puntos, 46-42, sa pagtatapos ng ikatlong yugto.

Sina Marte Gil at Jayson Ibay ay may tig-10 pun­tos para sa host team na kinuha ang karapatan na labanan uli ang nagde­depensang kampeon Centro Escolar University Scorpions.

Umabante agad sa best-of-three finals ang Scorpions matapos walisin ang 12 laro sa elimination round.

Nauwi sa step-ladder format ang semifinals at u­nang tinalo ng RTU ang Our Lady of Fatima University Phoenix, 71-67, para itulak ang tinalong koponan sa pang-apat na puwesto.

Ang Game One ay la­la­ruin sa Biyernes (Set­yem­bre 19) sa Makati Co­liseum.

Show comments