Stockinger muling nagpamalas ng husay sa Globe Slipstream

Pinahanga ni world-class race driver Marlon Sto­c­kinger (ikatlo mula sa kaliwa) ang racing aficionados na dumagsa sa isinagawang Globe Slipstream ka­makailan sa Bonifacio Global City. Nagbigay ng su­porta sina (mula sa kaliwa) Globe Telecom Chairman of the Board Jaime Augusto Zobel De Ayala, Lotus F1 Deputy Team Principal Federico Gastaldi, at Globe Telecom President at CEO Ernest Cu.

MANILA, Philippines – Natunghayan ang Lotus F1 driving exhibition ni racing champion Marlon Stockinger kamakailan na idinaos sa Globe Slipstream sa Bonifacio Global City.

Tinaguriang ‘Prince of Speed’,  ipinarada ni Stoc­kin­ger  ang pamosong Lo­tus WSR Gravity Charouz Formula Renault na kanyang ginagamit bilang miyembro ng Lotus F1 junior  team sa premyadong Formula 1 race.

Bukod sa kasiyahan nang personal na makita ang mga sasakyan sa world class races, perso­nal ding naranasan ng ra­cing aficionados ang pakiramdam na makasa­kay sa humaharurot na sa­sakyan sa pamamagitan ng race car stimulator at ang speed challenge.

Itinampok din sa Slipstream ang iba’t ibang booths na naglalaman ng mga produkto ng Globe, fun games at give-aways.

Napanood din ang parada ng mga mamahaling sasakyan, at ang dinumog na celebrity karting challenge.

Isang concert party sa BGC Amphitheater ang nagpataas ng kasiyahan sa crowd tampok ang Dualist Inquiry, American dance-punk band Chk Chk Chk, bandang Up Dharma Down, Yolanda Moon at  Autotelic

“Globe Slipstream brought one of the world’s fas­test sports headlined by one of the fastest-driving young drivers in the world at the country’s fastest-developing business hub powered by the nation’s fastest and most mo­dern network,” sabi ni Peter Bithos, ang Chief Opera­ting Advisor  ng Globe.

Ipinagdiwang din ang nakamit na tagumpay ng nangungunang telecommunications company sa bansa matapos mai­lun­sad ang 3G network at ina­asahang makakamit ang mas mabilis at kapaki-pakibanang na koneksyon gamit ang 4G HSPA net­work coverage bago su­mapit ang taong 2015.

Show comments