Reyes muntik nang masibak kung ‘di nanalo ang Gilas
MADRID, Spain--Bago ang kanilang huling laro laban sa Senegal ay ipinabatid na ni Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan kay Gilas coach Chot Reyes ang pagkadismaya nito sa kanilang kampanya sa 2014 FIBA World Cup.
Ilang text messages ang ipinadala ni Pangilinan kay Reyes dahil sa kagustuhan nitong manalo.
“Well, honest ako sa kanya. I’ve always been honest naman sa kanya. Clearly, it puts him under a lot of pressure,” sabi ni Pangilinan.
“My final message was, look, I know you can’t guarantee a win against these huge teams in FIBA because they’re the best 23 countries in the world but we owe our countrymen a lot for their support. The least that you can do is repay them with a win,” dagdag pa ng SBP chief.
Natakasan ang Senegal sa overtime, sinabi ni Pangilinan na masaya siya para kay Reyes at maging sa koponan.
Partikular siyang nasiyahan dahil ang panalo ng Gilas ang nagbigay ng karangalan sa bansa.
“I was telling Chot yung suporta sa team has payback time. If you keep on losing, at some point magsasawa yan. We want to make sure that support stays,” ani Pangilinan.
Kaya naman mananatili ang suporta ni Pangilinan sa Gilas.
Magpapatuloy ang programa para sa Gilas Pilipinas sa kanilang paglahok sa Asiad at sa mga susunod pang kompetisyon.
Gusto niyang makapasok ang bansa sa 2016 Olympics at umaasang maging host ng susunod na FIBA World Cup.
- Latest