Tenorio nababahala sa pagreretiro ni Alapag
SEVILLE, Spain--Ang nalalapit na pagreretiro ni Jimmy Alapag sa Gilas Pilipinas ang nagpapabahala kay point guard LA Tenorio.
“We will miss Jimmy. Gilas still needs him,” sabi ni Tenorio para sa kanilang kampanya sa darating na Asian Games sa Incheon, Korea kung saan hindi na nila makakasama si Alapag.
“He’s our team captain and his leadership is of different kind. We will miss that,” dagdag pa nito.
Sa pagkawala ni Alapag, iniisip ng Ginebra playmaker na magiging iba na silang koponan sa Asiad.
Ang papalit kay Alapag sa Incheon Games ay si 6-foot-4 guard/forward Jared Dillinger.
Habang si Alapag ay isang legitimate point guard na nakapaglaro ng dalawang beses sa FIBA Asia Championship at isa sa Asian Games, si Dillinger ay isang wing defender na nagbabalik sa Gilas matapos mapasama sa koponan sa FIBA Asia Cups sa Tokyo, Japan at sa Wuhan, China.
“Jimmy will be a big loss especially as Paul Lee doesn’t want to play the point in Gilas. I don’t know why. He wants to play the two-spot,” wika ni Tenorio.
“Sabi nya kaya naman daw nya as he’s proven in the Asia Cup. Sabi ko brod, iba na rito at sa FIBA Asia Championship,” sabi pa ni Tenorio.
Ngunit si Gilas coach Chot Reyes ang magdedesisyon sa bawat papel ng mga players.
Ang tiyak lamang ay hindi na maglalaro si Alapag sa Gilas matapos ang FIBA World Cup.
- Latest