^

PSN Palaro

Hunters niyanig ang Senators sa NAASCU cagefest

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayuko ng New Era University Hunters ang bisitang Diliman Computer Technology Institute Senators, 68-63, sa likod ng pagbibida nina Leo Roncal at AJ Vitug sa 14th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) basketball tournament sa New Era Gym.

Sa kabila nito, nabigo pa rin ang Hunters na makapasok sa six-team Round Two.

Nagsalpak si Roncal ng isang triple sa huling 41 segundo para basagin ang 63-63 pagkakatabla at ibigay sa Hunters ang 66-63 abante.

Nakaagaw naman ng bola si Vitug para sa kanyang fastbreak layup kasabay ng pagtunog ng final buzzer.

Nauna nang nagbigay si Vitug ng foul kay Mark Protacio na nagtabla sa laro sa 63-63 sa huling 1:01 minuto.

Naimintis ni Protacio ang kanyang bonus free throw na nagbigay-daan satres ni Roncal.

Tumapos si Roncal na may season-high 30 points, kasama rito ang 13 sa fourth period kung saan umiskor ang Hunters ng 22 points kumpara sa 15 ng Senators.

Kapwa may 2-5 record ang Hunters at ang City University of Pasay  Eagles para sa pang-anim na puwesto sa ilalim ng 2-4 ng Senators.

 

CITY UNIVERSITY OF PASAY

COLLEGES AND UNIVERSITIES

DILIMAN COMPUTER TECHNOLOGY INSTITUTE SENATORS

LEO RONCAL

MARK PROTACIO

NATIONAL ATHLETIC ASSOCIATION OF SCHOOLS

NEW ERA GYM

NEW ERA UNIVERSITY HUNTERS

RONCAL

VITUG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with