^

PSN Palaro

Torres ilalahok sa Incheon Asiad

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagama’t nabigo sa qua­lifying jump na idinaos sa Philsports Arena sa Pa­sig City, napasama pa rin si jumper Marestella Torres sa delegasyong sasabak sa 2014 Asian Games sa In­­cheon, Korea na naka­tak­da sa Set­yembre 19 hanggang Oktubre 4.

Binigyan si Torres ng bas­bas ng Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commission Asiad task force mula sa kanyang nilundag na 6.45 meters pa­ra makuha ang gold me­dal sa nakaraang Singa­pore Open.

Nagbabalik ang two-time Olympian sa national team matapos manganak.

Nauna nang naglatag ang task force ng qualifying jump na 6.37m na na­bigong maabot ni Torres.

Sinabi ng 33-anyos na dating Asian champion na patutunayan niya sa kan­yang mga kritiko na kaya pa niyang magbigay ng ka­rangalan sa bansa sa Asian Games.

Pumamg-apat si Torres noong 2010 Asian Games sa Guangzhou, China kung saan siya nagtala ng 6.49m sa una niyang lundag kasunod ang mga fouls sa sumunod niyang tangka.

Si Korean Jung Soon-ok ay naglista ng 6.53m pa­ra kunin ang gold medal.

Ipinaglaban ni Philippine Amateur Track and Field Association president Philip Ella Juico ang pagsa­sama sa veteran interna­tionalist sa koponang ilalahok sa Incheon Asiad.

ASIAN GAMES

INCHEON ASIAD

MARESTELLA TORRES

PHILIP ELLA JUICO

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE-PHILIPPINE SPORTS COMMISSION ASIAD

PHILSPORTS ARENA

SHY

SI KOREAN JUNG SOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with