^

PSN Palaro

Manny mapapalaban kontra kina Mayweather at Marquez sa susunod na taon

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sakaling manalo kay American challenger Chris Al­gieri ay may posibilidad na labanan ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao ang si­numan kina Floyd May­wea­ther, Jr. at Juan Manuel Marquez.

Ito ang sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions sa ikalawang press tour nina Pacquiao at Algieri sa Hyatt Regency Century Pla­za Hotel sa Shanghai, China.

Ayon kay Arum, payag ang pay-per-view networks na HBO at Showtime na plantsahin ang kanilang gu­sot para maitakda ang Pacquiao-Mayweather super fight sa 2015.

May kontrata si Pacquiao sa HBO, habang na­sa bakuran ng Showtime si Mayweather.

Handa naman si Pacquiao (56-5-2, 38 knockouts) na labanan si Maywea­ther (46-0-0, 26 KOs) bagama’t tatlong beses umatras ang American five-division titlist.

“The possibility to fight with him, you know, the ques­tion is not for us,” ani Pac­quiao. “It’s for them be­cause any time we are wil­ling to fight, any time. I think that question belongs to them, their camp.”

Itataya ni Pacquiao ang kanyang hawak na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban kay Algieri (20-0-0, 8 KOs) sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.

Sasagupain naman ni Mayweather si Marcos Mai­dana sa isang rematch sa Set­yembre 13 sa Las Vegas, Nevada.

Samantala, tungkol kay Mar­quez, si­nabi ni Arum na kasama pa rin sa lista­han ni Pac­quiao ang Mexican legend.

“Hopefully we can put Mar­quez in with Pacquiao next year,” ani Arum kay Mar­quez na nagpatulog sa Sarangani Congressman sa sixth round sa kanilang pang-apat na paghaharap no­ong Disyembre 8, 2012.

Nauna nang tumanggi si Marquez na muling labanan si Pacquiao.

ALGIERI

BOB ARUM

CHRIS AL

FLOYD MAY

HYATT REGENCY CENTURY PLA

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
44 minutes ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with