Altas iiskor uli sa Pirates

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

12:15 p.m. Perpetual Help vs Lyceum (Jrs/Srs)

 

MANILA, Philippines - Sasandalan ng Perpe­tual Help Altas ang pana­long naitala nang unang magkita sa muling pagtutuos nila ng Lyceum Pira­tes sa 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ito ang unang laro ng Altas at Pirates sa se­cond round elimination at magna­nais na makakalas sa pagkakasama ng dalawang koponan sa 5-4 baraha.

Hiniritan ng tropa ni coach Aric del Rosario ang bataan ni coach Bonnie Tan ng 78-62 panalo na ginawa noong Hulyo 30.

Si Earl Scottie Thompson na siyang lider sa karera para sa Most Valuable Pla­yer matapos ang first round, ang siyang mamumuno sa pag-atake ngunit tiyak na hindi rin magpapabaya  ang leading scorer ng liga na si Juneric Baloria at Harold Arboleda para ma­kabawi rin ang Altas mula sa 73-77 pagkatalo sa St. Benilde noong Agosto 13.

Manggagaling ang Pi­rates mula sa mahigit kalahating buwang pamama­hinga dahil huling laro nila ay nangyari noon pang Agosto 6 at tinalo nila ang San Sebastian Stags, 71-64.

Aasa ang mga panatiko ng Pirates na hindi nawala ang kondisyon ng mga kamador tulad nina Guy Mbida, Dexter Zamora, Wilson Baltazar at Joseph Ga­bayni para sa ikala­wang dikit na pa­nalo.

Show comments