^

PSN Palaro

Youth Olympics Games: Matamlay ang simula ng Phl

ACordero - Pilipino Star Ngayon

NANJING, China - Gumawa ng personal best si swimmer Roxanne Yu habang nalagay sa ika-32nd place ang triathlete na si Vicky Deldio para sa ‘di magandang panimula ng Pilipinas sa pangalawang Youth Olympic Games  ka­hapon dito.

Sa Nanjing Olympic Cen­ter lumangoy si Yu sa 100-m backstroke at na­orasan siya ng isang minuto at 5:16 segundo para lumapag sa ika-26th puwesto sa 33 na sumali.

Hindi nakapasok sa finals ang 16-anyos na si Yu pero may ngiti sa kanyang labi dahil mas mabilis ang kanyang langoy sa dating best time na 1:05.20.

Sa kabilang banda, si Deldio ay sumalang sa 750-m swim, 20-km bike at 5-km run triathlon course sa Xuanwu Lake at naorasan ang tubong Olongapo ng 1:14:07 segundo sa splits na 13:08 sa swim, 37:11 sa bike at 22:26 sa run.

Wala namang umasa na mananalo ang dalawang lady athletes dahil tunay na malakas ang mga kalaban at ang nanguna sa heat ni Yu na si Eleni Anna Koutsoveli ng Greece ay may 1:03.48 habang ang nanalo ng ginto sa triathlon na si Britanny Dutton ng Australia ay may 59:56 oras.

Babalik pa sa pool si Yu sa Martes para sa 200-meter backstroke habang pa­hinga na si Deldio.

Si Ava Loreign Verdeflor ang sasalang para sa bansa sa Lunes sa artistic gymnastics sa Olympic Center habang sa Miyerkules ay la­laro si Zion Rose Nelson sa 400-m heats.

BRITANNY DUTTON

DELDIO

ELENI ANNA KOUTSOVELI

OLYMPIC CENTER

ROXANNE YU

SA NANJING OLYMPIC CEN

SI AVA LOREIGN VERDEFLOR

VICKY DELDIO

YU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with