Batang Gilas sadsad sa France

DUBAI-- Natikman ng Batang Gilas ang kanilang pang-apat na sunod na kabiguan matapos sumuko sa mas malalaking France, 57-86, sa round of 16 ng FIBA U17 World Cham­pionship noong Martes ng gabi dito sa Al Ahli Arena.

Humakot si Stephane Gombauld ng 14 points at 20 rebounds, habang kumolekta si Amine Noua ng 21 points at 12 boards para sa pag-abante ng France sa crossover quarterfinals.

Ito ang ikaapat na su­nod na kamalasan ng Ba­t­ang Gilas at nakatakdang harapin ang Argentina sa classification round.

Humabol ang koponan sa halftime, 35-41, bago tinambakan ng France ng 14 points sa pagtatapos ng third quarter kung saan nagkaroon si chief gunner Jolo Mendoza ng right hamstring injury.

Pumitas ang France ng kabuuang 60 rebounds, ang 19 dito ay sa offensive kumpara sa 33 of Batang Gilas.

Show comments