^

PSN Palaro

PLDT papasukin ang semis; Ateneo asam ang playoff

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sasamantalahin ng PLDT Home Telpad Turbo Boos­ters ang pagbaba ng laro ng nagdedepensang kampeon Cagayan Valley Lady Rising Suns habang playoff ang balak dagitin ng Ateneo Lady Eagles sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

May 7-3 karta ang Tur­bo Boosters at ang ma­kuku­hang panalo sa Lady Rising Suns sa alas-2 ng hapon na laro ay magtutulak sa koponan sa semifinals katulad ng Army Lady Troopers sa magkatulad na 8-3 karta.

Kasukatan ng Lady Eagles ang National Uni­ver­sity Lady Bulldogs sa ikalawang laro dakong alas-4 at ang madadagit na panalo ay kukumpleto sa 5-0 sweep sa quarters.

At kung mananalo, ito ang  ikapitong pa­nalo sa 12 laro at seselyuhan ng Lady Eagles ang playoff para sa huling upuan sa Final Four sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s bukod sa ayuda ng Accel at Mikasa.

Tiyak ang playoff kung manalo ang Ateneo dahil ang Cagayan at Air Force Air Spikers ang huling magkikita sa pagtatapos ng quarters at isa sa kanila ang makakapantay ng Lady Eagles sa 7-5 karta.

Hindi naman basta-basta susuko ang Lady Bull­dogs lalo pa’t gusto rin nila ang disenteng pagtatapos sa nabigong kampanya na mapangunahan ang liga.

Sina Aiza Maizo, Janine Marciano, Angeli Ta­baquero at Pau Soriano ang mga magtutulung-tulong para sa Lady Rising Suns upang makaiwas sa anumang kumplikasyon sa planong pagdepensa sa hawak na titulo.

AIR FORCE AIR SPIKERS

ANGELI TA

ARMY LADY TROOPERS

ATENEO LADY EAGLES

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

LADY

LADY EAGLES

LADY RISING SUNS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with