Kahit nabigo sa qualifying Mark para sa ASIAD Sponsor tuloy ang suporta kay Torres

MANILA, Philippines - Walang epekto para sa tu­mutulong kay Marestella Tor­res ang kabiguan niyang maabot ang Asian Games qualifying standard para madiskaril ang pla­no para makalaro siya sa 2016 Olympics sa Brazil.

Umasa si James Laf­fer­ty na makakaya ng 33-anyos na si Torres ang ma­abot ang 6.37m criteria sa performance trial noong Sabado ng umaga sa Philsports Oval dahil nakita  ni­ya kung paano naghirap ang SEA Games record hol­der ng event na maibalik ang dating kondisyon.

Si Torres, na nanganak no­ong Enero sa unang sup­ling niya at asawang si Eleazer Sunang, ay may 6.17m best leap lamang.

“I have hopes because I’ve seen her jump in practice. But the issue is consistency in her approach. She didn’t jump for a year and when you don’t jump for a year, you lose your coordination and timing. But she’s going to get all these back, she’s a true champion,” pa­hayag ni Lafferty na per­sonal ding sinaksihan na tu­malon si Torres.

Sinasagot ang gastusin ni Torres sa pagsasanay, kum­binsido pa rin si Lafferty na maihahanda ng 2009 Asian Championship gold me­dalist ang sarili para sa  2016 Olympics.

Si Lafferty, ang Gene­ral Manager ng British Ame­ri­can Tobacco, ang na­ngu­­nguna sa programang ‘Adopt An Olympian’ katuwang ang PATAFA at si Torres at si Jesson Ramil Cid ang mga unang dalawang track and field athletes na nasa programa.

“I know she’s disappointed, she wants to go to the Asian Games. But for me, she’s still way ahead of my expectation,” dagdag ng opisyal.

Sa 2015 ang pinakama­laking paghahanda ni Torres para sa Olympics.

Kung mapapagta­gum­payan ang adhikain, ang 2016 Games ang ikatlong sunod na Olympics ni Torres matapos sumali sa 2008 Beijing at 2012 London Games.

Ilan sa mga atleta ng ban­­sa na nakagawa nito ay ang trackster Simeon To­ribio (1928 Amsterdam, 1932 Los Angeles at 1936 Berlin) at boxer Romeo Brin (1996 Atlanta, 2000 Sydney at 2004 Athens).

 

Show comments