^

PSN Palaro

Martinez lalaban sa ISU Grand Prix sa Oct.

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling matutunghayan sa aksyon si Olympian Michael Martinez sa pagsabak nito sa International Skating Union (ISU) Grand Prix of Figure Skating sa Oktubre 24-26 sa Chicago, USA.

Ang Grand Prix ay isang serye ng mga senior figure skating competition kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang top six sa men’s singles, ladies’ singles, pair skating, at ice dancing na lumaban sa Grand Prix Final sa Barcelona, Spain.

Si Martinez, ika-27 na pinakamahusay sa mundo, ang tanging Filipino at taga-Southeast Asia na napiling lumahok ng ISU.

Ilan sa mga makakatapat ni Martinez ay ang mga Olympic medallists na sina Tatsuki Machida ng Japan, Denis Ten ng Kazakhstan, Jeremy Abbott ng USA, at Artur Gachinski ng Russia.

Matatandaang lumahok at nakaabot sa ika-19 puwesto si Martinez sa Winter Olympics sa Sochi, Russia noong nakaraang Pebrero.

Nakapag-uwi na siya ng humigit-kumulang na 190 medalya at tropeo mula sa iba’t-ibang international competitions.

Si Martinez ay nagsi­mulang mag-figure skating  sa edad na walo sa SM Skating Rink ng SM Southmall, na pag-aari ni SM Prime Holdings president Hans Sy, bago pa ito nagsanay sa USA noong 2010.

ANG GRAND PRIX

ARTUR GACHINSKI

DENIS TEN

GRAND PRIX FINAL

GRAND PRIX OF FIGURE SKATING

HANS SY

INTERNATIONAL SKATING UNION

JEREMY ABBOTT

OLYMPIAN MICHAEL MARTINEZ

PRIME HOLDINGS

SI MARTINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with