Eksplosibo ang nakatakdang 3 pares na salpukan sa Shakey’s V-League bukas

TEAM STANDING                W     L

PLDT                                   7      2

Army                                   7      2

Cagayan                             6      2

Air Force                            6      4

Ateneo                               4      5

National  U                          3      6

Laro Bukas

 

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. PLDT Home Telpad vs Air Force

4 p.m.  NU vs Army

6 p.m. Ateneo vs Cagayan

 

MANILA, Philippines - Masusulit ang pano­nood ng mga panatiko ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference bukas dahil hindi dalawa kundi tatlong laro ang kanilang masisilayan.

Sasalang ang mga na­ngungunang koponan na PLDT Home Telpad Turbo Boosters at Army Lady Troopers sa magkahi­walay na laro at puntirya ang panalo na magluluklok sa kanila sa semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s bukod sa ayuda ng Accel at Mikasa.

Kalaban ng Turbo Boos­­ters ang Air Force Air Spikers sa ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng pagkikita ng Lady Troo­pers at National University Bulldogs sa alas-4 ng hapon.

Ang mainit na Ateneo ay mapapalaban sa nagdedepensang kampeon Cagayan Valley sa huling laro dakong alas-6 ng gabi.

Mahalaga sa lahat ng koponan ang makukuhang panalo dahil wala pang opisyal na nalalagas sa kompetisyon.

Ang Lady Bulldogs ang siyang nasa huling puwesto sa 3-6 baraha at may dalawang losing streak.

Isa pang kabiguan ang magpapatalsik sa Lady Bulldogs dahil hanggang limang panalo na lamang ang kanilang maaabot sakaling walisin ang nala­labing dalawang laro.

Interesado rin ang laro sa pagitan ng Lady Eagles at Lady Rising Suns.

Nasa ikatlong puwesto ang Cagayan sa 6-2 karta pero natalo sa unang laro sa yugtong ito sa Army.

Sa kabilang banda, may dalawang sunod na panalo ang UAAP champion Ateneo at ang huli ay sa pamamagitan ng five-setter game kontra sa Air Force.

Makakatulong ang hawak na momentum ng Ate­neo para maipaghiganti ang five sets pagkatalo sa Lady Rising Suns sa elimination round. (ATan)

Show comments