^

PSN Palaro

La Salle, UST nakatutok sa ika-4

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang ikaapat na sunod na ratsada ang parehong hangad ng Archers at Tigers sa kanilang pagharap sa magkahiwalay na karibal.

Lalabanan ng nagdedepensang  La Salle ang minamalas na UP ngayong alas-2 ng hapon, habang makakatapat ng UST ang Ateneo sa alas-4 sa eliminasyon ng 77th UAAP men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Hawak ng NU ang lide­rato sa kanilang 5-1 record kasunod ang Ateneo (4-1), UST (3-1), La Salle (3-2), FEU (3-2), UE (2-3), Adamson (0-5) at UP (0-5).

Mula sa 0-2 panimula ay kumamada ang Archers ng tatlong sunod na panalo, ang huli ay nang talunin ang Falcons, 67-48, noong Sabado.

Sa nasabing panalo ay kumamada si rookie guard Kib Montalbo ng career-high na 18 points para sa kopo­nan ni coach Juno Sauler.

Nasa isang 26-game losing slump naman ang Fighting Maroons sapul no­ong 2012.

Sa ikalawang laro, pipilitin ng UST na duplikahan ang kanilang 73-57 paggupo sa UP sa kanilang pagbangga sa Ateneo, umiskor ng 81-78 panalo kontra sa FEU noong Linggo.

“Umpisa pa lang ito. We have a goal na makapasok ulit sa Finals, kaya araw-araw pa rin, hard work pa rin,” wika ni rookie coach Bong Dela Cruz sa tatlong su­nod na panalo ng kanyang Tigers.

ADAMSON

ATENEO

BONG DELA CRUZ

FIGHTING MAROONS

HAWAK

JUNO SAULER

KIB MONTALBO

LA SALLE

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with