Para sa korona ng PSL All-Filipino conference Generika, RC Cola magpapatayan

    Hinatawan ni Nerissa Bautista ng Generika-Army ang depensa nina Rhea Katrina Dimaculangan at Liza Deramos ng RC Cola-Raiders sa una nilang paghaharap sa eliminations. Inaasahang matinding laban ang magaganap sa pagitan ng dalawang koponan  kung saan nakataya ang titulo ng PSL  All-Filipino Confe­rence ngayong hapon sa one-game finals. (Joey Mendoza)

Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome, PasayCity)

1:30 p.m.  AirAsia vs PLDT (Women’s  third place)

3:30 p.m.  PLDT Air Force vs Cignal

(Men’s championship)

5:30 p.m. Generika-Army vs RC Cola-Air Force (Women’s championship)

 

MANILA, Philippines - Patutunayan ng Generika-Army Lady Troopers na sila ang pinakamahusay na koponan sa 2014 PLDT Home-Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference volleyball  women’s division sa pagbangga sa RC Cola-Air Force Raiders sa pagtatapos ng kompetisyon ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pasay  City.

Sa ganap na alas-5:30 ng hapon  itinakda ang tagisan at kasukatan ng koponang nagdomina sa naunang da­la­wang PSL Conferences ang Raiders sa huling laro sa triple-header game dakong alas-5:30 ng hapon.

Unang magsasagupa ang expansion team AirAsia Flying Spikers at PLDT Home TVolution Power Attackers sa ganap na ala-1:30 ng  hapon  para sa ikatlong puwesto bago sundan ng pagkikita ng PLDT Air Force at Cignal dakong alas-3:30 ng  hapon sa men’s championship.

Ang Generika-Army at RC Cola-Air Force ang mga ko­ponan na nagdomina mula sa elimination round  kaya’t tiyak na magiging balikatan ang tagisan sa sudden death  game na ito sa ligang inorganisa ng Sports Core at handog ng PLDT Home DSL bukod sa suporta ng  Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.

“Sila ang team na puwedeng sumabay sa amin dahil beterano na ang mga players nila at multi-titled team din ang Air Force,” pahayag ni Lady Troopers coach Rico de Guz­man.

Tulad  sa mga nakaraang laro, ang Generika-Army ay sasandal sa  husay nina Jovelyn Gonzaga, Rachel Ann Daquis, Mary Jean Balse at Tina Salak para masungkit ang ikatlong sunod na titulo sa liga.

Isa sa mga dapat umanong gawin ng Army ay ang pagtibayin ang depensa lalo na sa running attacks galing kay Maika Ortiz. (ATan)

Show comments