^

PSN Palaro

Manila West dinomina ang Fiba 3X3

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinilala uli ang husay ng Pilipinas sa larangan ng basketball nang pagharian nina Terrence Romeo, Rey Guevarra, KG Canaleta at Aldrech Ramos ng Manila West ang FIBA 3x3 World Tour Manila Masters sa pamamagitan ng 21-17 panalo sa naglalakihang Doha, Qatar team sa finals kagabi sa Mega Fashion Hall sa SM Megamall.

Sinandalan ng mga PBA players ang determinasyong bigyan ng kara­ngalan ang Pilipinas nang gamitan ng bilis at shoo­ting upang maisantabi ang height advantage ng Qatari team sa pamumuno nina  Yaseen Ismail Musa at Mohammad Seleem Abdullo na nakabilang sa koponan na nagkampeon sa FIBA 3x3 World Championship noong Hunyo sa Moscow.

“Hindi kami kontento na nasa final round lang kaya talagang ibinigay namin ang lahat ng aming makakaya,” wika ni Romeo na nanalo rin sa side event na 3-point shootout.

Halagang $10,000.00 ang napanalunan ng Manila West habang nakontento sa $5,000.00 ang Qatar.

Nakarating sina Terrence Romeo, Rey Guevarra, Aldrech Ramos at KG Canaleta sa final round nang talunin nila ang Jakarta, 18-14, sa semifinals.

Dinaig ni Guevarra sa one-on-one play ang Indonesian team, si Romeo ay kumunekta sa labas habang nagdomina sa ilalim sina Ramos at Canaleta para makakuha rin ang Pilipinas ng puwesto sa World Tour Final sa Tokyo, Japan sa Oktubre 11at 12.

“I’m glad that we are one of the two that made it to Tokyo,” masayang si­nabi ni SBP president Manny V. Pangilinan na sinaksihan ang huling araw ng dalawang araw na kompetisyon na nilahukan ng 12 koponan, kasama ang walong dayuhan.

“It proved that we are good in any form of basketball,” dagdag pa ni MVP.

Bago ang koponang ito, ang Pilipinas ay naglaro rin sa FIBA 3-on-3 Under-18 World Championship habang ang Gilas Pilipinas at Batang Gilas ay maglalaro sa FIBA World Cup at FIBA U17 World Championship.

Pumangalawa sa Pool B, tinalo ng West ang Auckland, 14-9, sa quarterfinals para ikasa ang pagkikita sa Jakarta, ang Pool A top team, na pinagpahinga ang Manila East, 15-11.

Naiwan ang Manila North para balikatin ang kampanya ng Pilipinas matapos matalo ang Manila North at Manila East.

Binuo nina Calvin Abue­va, Vic Manuel at Jake Pascual ang Manila North ay yumuko sa Qatar, 8-21, habang ang Manila East na kinatawan ng National champion sa U18 na sina Joshua Ayo, Raphael Jude De Vera, Karl Kenneth Estrada at Adonis Nismal, ay nalusutan ng Surabaya, 20-21.

 

ALDRECH RAMOS

CANALETA

MANILA

MANILA EAST

MANILA NORTH

MANILA WEST

PILIPINAS

REY GUEVARRA

WORLD CHAMPIONSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with