^

PSN Palaro

Gilas sa semis haharapin ang Iran

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinandalan ng Pilipinas ang malaking agwat para maisantabi ang pagkulapso sa huling limang minuto para matakasan ang India, 70-66, sa 5th FIBA Asia Cup quarterfinals kagabi sa Wuhan Sports Centre sa Wuhan, China.

Ang pangatlong three-pointer ni Paul Lee ang nagbigay sa nationals ng 70-54 kalamangan sa hu­ling 5:15 ng labanan pero mga errors ang sunod na ginawa ng nationals para makapanakot pa ang Indian team na gumawa ng marka sa Group elimination nang pinabagsak ang  host China.

Hindi nahawakan ni Marcus Douthit ang inbound pass na nagresulta sa transition lay-up ni V Bhriguvanshi para tapyasan sa lima ang kalamangan sa huling 1:31 ng laro.

Patuloy man ang mga mintis ng Pilipinas, kasama ang dalawang free throws ni LA Tenorio, ngunit hindi rin naipasok ng India ang tatlong mahahalagang buslo para pumasok ang tropa ni coach Chot Reyes sa semifinals.

Kalaban ng Gilas nga­yon ang Iran na pinagpa­hinga ang Jordan, 75-60, sa naunang laro.

Ang tagisang ito ay rematch nang 2013 FIBA Asia Men’s Championship at nais ng Gilas national team ang maipaghiganti ang 71-85 pagkatalo.

Tulad sa mga nakaraang laro, si Lee ang namuno sa koponan sa kanyang 15 puntos habang sina Douthit at Ranidel De Ocampo ay may 14 at 13 puntos. Ang 6’9 naturalized center ay may 12 rebounds din ngunit may apat na errors.

Mabagal ang panimula ng Gilas upang makalamang muna ang India.

Angat ang India sa 14-17 ang iskor nang nagpa­kawala ng magkasunod na triples sina De Ocampo at Anthony Washington para tuluyang ibigay sa Pambansang koponan ang abante ng labanan, 20-17.

Binuksan ni De Ocampo ang ikalawang yugto tangan ang four-point play para pasiklabin ang 20-5 palitan at ibigay sa Pilipinas ang 40-22 kalamangan.

Ang Chinese Taipei ay nanaig sa Japan, 76-62, at hihintayin nila ang mananalo sa pagitan ng host China at Singapore para siyang makatuos sa isa pang laro sa semifinals.

 

ANG CHINESE TAIPEI

ANTHONY WASHINGTON

ASIA CUP

ASIA MEN

CHOT REYES

DE OCAMPO

MARCUS DOUTHIT

PARA

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with